Huwebes, Hulyo 25, 2013

Paano tayo nagkaroon ng Wikang Pambansa?

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang librong Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa. Tama rin na isama ang mga letrang tulad ng f at v kung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga wikang katutubo sa wikang pambansa. Halaw ang mga ito sa mga magagandang wika ng mga Ivatan, Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa.


Linggo, Hulyo 21, 2013

Takdang Aralin sa AP (Ekonomiks)


  • DALAWANG SANGAY NG EKONOMIKS
  1. Maykroekonomiks - pinag-aaralan ang maliliit na yunit ng ekonomiya. Kabilang din dito ang pagpili ng produktong bibilhin.
  2. Makroekonomiks - Sumusuri sa buong ekonomiya ng bansa.
  • EBOLUSYON NG EKONOMIKONG LIPUNAN
  1. Pangangaso at Pangingisda
  2. Pagpapastol
  3. Pagtatanim
  4. Paggawa sa Kamay
  5. Paglaganap ng Industriya
  • MGA KAHULUGAN NG SUMUSUNOD:
  1. Espesyalisasyon - organisasyon ng produksyon na ang mga manggagawa ay nagpapakadalubhasa sa paggawa ng isang tanging produkto.
  2. Barter - pakikipagkalakal o pakikipagpalitan ng produkto
  3. Merkantilismo - sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumubisyon ng ginto at pilak, pagtatatag ng mga kolonya at regulasyon ng kalakalang panlabas upang pakinabangan ng bansang mananakop.
  4. Kolonyalismo - tuwirang pananakopng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalaan ang yaman o makuha nito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya.
  5. Encomienda - paniningil ng mga kastila o Spaniards sa mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging buwis. Ito ang buwis na kinokolekta ng mga ng mga encomendero mula sa mga tao sa mga lugar na pagmamay-ari ng pamahalaan.
  6. Technological Dualism - isang teoryangipinanukala ni Benjamin Higgins na nagpapaliwanag sa mga sanhi ng kawalan ng trabaho sa kakulangan sa pag-unlad ng ekonomiya.
  7. Polo y Servicio - sapilitang paggawa o sapilitang pagpapatrabaho ng mga lalaking Pilipino na nagkakaedad ng 16-60 taong gulang sa loob ng apat-napung araw sa loob ng isang taon na walang kabayaran.
  8. Sangley Mestizo - isang lipas na kataga na ginagamit sa Pilipinasupang ilarawan at mauri ang isang purong lipi ng Intsik ; malawakang ginagamit sa ika-16 hanggang ika-19 na siglong Espanyol sa Pilipinas para pag-ibahin ang etnikong Intsik mula sa iba pang uri ng isla mestizos tulad ng mga  halo-halong Indio at lipi ng Espanyolna mas kakaunti ang kabuuang bilang.
  9. Reales Compras -  isang tributo na binibigay upang pambili ng pagkain galing sa Mexico at iba pang parte ng Timog-Amerika at Inglatera mula sa kalakalang Galyon.
  10. Mercantile Doctrine - sistemang ginagamit ng mga kastila sa Pilipinas


(The author would like to acknowledge http://www.wikianswers.com)

Huwebes, Hulyo 18, 2013

"Hi" by Maria Regielyn Dequillo

"Hi"
Maria Regielyn N. Dequillo

I made this piece, showing or expressing my feeling when my crush never talked to me for weeks and communicate with me again after such quite a long time...
    
       You are the one who first showed on me. The first time we met, I'm starting to like you. Later on, because of everyday chatting, there,  I'm already sure that I have a crush on you. I asked you of your crush's name, and the word came out from your mouth was my name. After you confessed what you felt for me, I felt something tingly inside me. I don't know why --- perhaps, I'm happy.
    
   We always have conversation every night during my summer vacation and I always got time to talk to you even if my summer vacation's over --- even how busy I am doing my projects. We always laugh when we're having conversations. We always have good topics. We always share about each other's secrets ... about love life.  

    One night, while I was having a conversation with a friend, she happened to tell me whom his boyfriend was. She has spoken your name. And then, I already knew that you have a girlfriend. I asked you about it, and you nodded. 

    Weeks passed, you just stopped communicating with me. Of course, as a girl, it would be flirty of me talking first to a guy. Well, not actually 'flirty', but i just don't like the sound of it --- 'Girl talking to a guy first'? 

     I've never heard of you since then. I got mad at you. There's hatred growing inside me for you. You never talked to me as if I'm invisible.You ignored me. My hate for you got worse when you told me not to join you in a group conversation. There are thoughts formed inside my head after you told me that ... like ... 'do you hate me?' 'have I done something wrong to you?' 

   I've sent you messages.  I've waited for you but... no response came from you.
I started to forget you. I started to move on. I glanced on the paper written by your name. I was thinking of tearing that paper to start my "move on" plan. But in a sudden ... you just started a conversation with me, starting with a simple "hi". I was a bit of surprised when you communicate with me again. and from that simple "hi", followed by "how are you" and so on, and so forth.

    While talking, there's a question that came out from my mind in just a snap. "Why haven't you talk to me for such quite a long time?"  With that question, made me asked about your love life. you sent me a photo of your girlfriend, but all I can see is blank. I told you I can see nothing but blank, and you said 'exactly'. So I knew that you are now single. With that, answered my question why haven't you chat with me for weeks. It's because, you've been busy with your girlfriend and knowing your girlfriend, she doesn't want you to talk with other girls. Now, because you're already single (finally), that is why you chat with me again. It made me smile wider as before.

     By the time you said "hi" to me again, it made my day complete.

Lunes, Hulyo 15, 2013

Aking Sinta

AKING SINTA
Gladys Joy Marangga


Oh, aking mahal, sa iyong pagkawala,
Ako'y araw-araw na nangungulila.
Ang aking luha, na kusang umaagos,
Tuwing naaalala ang iyong mga yapos.


Oh, aking sinta, ba't mo ako iniwan?
Lubhang nalulungkot sa iyong paglisan.
Kailan man ay hindi nalilimutan,
Ang ala-ala nating pinagsaluhan.


Habang ako'y tulala na nakatingin,
At nakaupo sa harap ng salamin.
Mata'y namumugto, 'di ko man aminin.
Unti-unting dumilim ang aking paningin.


                                                                                 Ako'y nagising sa malakas na katok,
At nagulat nang ika'y biglang pumasok.
Oh, aking mahal, ika'y biglang bumalik!
Sobrang saya, nitong pusong sayo'y sabik.


Lunes, Hulyo 1, 2013

Sanaysay tungkol sa Aking Sarili...

"Ang Tunay na Ako"
ni Maria Regielyn N. Dequillo


               Ipinanganak ako sa mundong ito noong ika-21 ng Nobyembre, 1997 at kinalakihan ang pangalang, Maria Regielyn N. Dequillo. Lumaki man na hindi kagandahan ang hitsura, hindi na bali iyon, lumaki naman ako na may mabuting asal mula sa mga pangaral nina Inay at Itay.
            Noon minsan ay ako ay inyong matatanaw --- nakaupo, sa isang sulok sa tabi --- nag-iisa. Huwag kayong magtaka; ganoon lang talaga ako. Ako ay hindi kasi marunong makisama sa ibang tao, lalo na kapag hindi ako sang-ayon sa mga ikinikilos at asal nila. Maliban doon, ako ay mahiyain din kaya ako ay hindi marunong humarap at umaliw sa mga taong pumapaligid sa akin. Sa tuwing gumagawa naman ako ng biro, ay kakaunti o walang masyadong tumatawa, kay noon ay naisip ko na:"Ano pa ang halaga ng aking pakikipag-usap sa kanila, kung ako ay nakakainip o walng silbi kung kausap?". Dahil doon ay napagtanto ko na ako ay iba sa kanila. Marami akong mga nakikita sa aking sarili na ibang-iba kumpara sa kanila. Subalit, iyon ay hindi ninyo makikita sapagkat ang kaibahan na iyon ay nakatago. Ang inyong nakikita sa akin ngayon ay waring pagpapanggap lamang, dahil alam ko na walang sinuman ang makakatanggap sa tunay na katauhan ko maging mga magulang ko. Sinisikap kong baguhin ang kaibahang ito, ngunit ano pa ang magagawa ko? Ito talaga ako. 
               Ngayon, mukha ko ay inyong makikita na parang masayahin, ngunit sa puso'y nakatago, malungkot na damdamin. Aywan ko ba kung bakit ako ganito... ito lang siguro ang tunay na ako.